Thursday, March 23, 2017

 I learned from Empowerment Technology always be think before you click the website, because a small thing that we click , we have a big responsible for that.
l Learned also the difference of kinds of websites , the features of the google ,and also i know how to make a form from google drive.

Wednesday, March 22, 2017

BAKIT MAY MGA KABATAANG NAGREREBELDE O NAGLALAYAS?


         "Kabataan pag-asa ng bayan"ayon sa ating Pambansang Bayani. Bago pa siya mamatay ,ang bawat kabataan ang magsisilbing susi upang maiahon sa kahirapan ang ating bansa ,ngunit bakit sa panahon ngayon maraming kabataan ang nagrerebelde . Ano nga ba  ang puno't dulo ng kanilang pagrerebelde o di kaya'y naghahanap o humihingi ng oras sng kanilang mga magulang,dahil  sa panahon ngayon kapag nagsimulang magrebelde ang isang kabataan maaaring magbunga ito ng mas masama tulad ng maaaring malulong sa masamang bisyo ang mga kabataang nagrerebelde syempre maghahanap sila ng  katuwang o di kaya'y mapasama sa masasamang grupo na makakadagdag cpa sa kanyang pagrerebelde. Paano natin mapapatunayan na "Kabataan pag-asa ng bayan"kung marami pa ring kabataa ang nagrerebelde .

         Ayon kay Marie Gonzales hindi madali ang pagiging isang teenager . Kagaya ng mga nakakatanda sa atin, may mga problema at sintimyento din tau na dapat ding harapin. diez y nueve anyos na ako at para sa akin, sa edad pa lamang na ito natin natututunan ang mga bagay na makapagdadala sa atin sa realidad ng buhay. katulad ng mga nakatatanda sa atin, marami din tayong sintimyento at mga problema tungkol sa mga bagay na kelangan natin para harapin ang realidad ng buhay. sa ganitong edad din natin kelangan hanapin ang ating mga sarili, hubugin ang ating talento at mag isip ng mga makatotohanang bagay kesa sa mga imahinasyon , nung nasa edad na kinse ako, marami talaga ang pinagdaanan ko at alam ko na hindi lang ako ang nakaranas na mapagalitan ng nanay dahil sa pagsagot ng pabalang. ngayon na tumanda ako ng apat na taon ay higit kong naunawaan ang buhay at hindi nga naman ito madali kagaya ng iniisip natin nung mga panahon na masyado pang bata ang ating isipan at wala pa tayong ibang iniisip kundi ang sariling kasiyahan at isinasantabi natin ang mga bagay na dapat ay ginagawa natin para sa iba.
 Akala natin alam na natin ang lahat. sabi nga sa isang kanta marami pa daw tayong dapat na malaman at intindihin sa mundo. tama nga naman. ang mundo nga naman natin ay isang napaka komplikadong lugar pero dito din natin natututunan ang lahat ng bagay na magtuturo satin para alamin kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng buhay.
sino na nga ba sa inyo ang hindi nagalit sa mga magulang nang minsan kang pagbawalan na gawin ang bagay na matagal mo nang gustong gawin. yung mga bagay na akala mo e magdudulot ng kabutihan sa iba pero ang totoo ay sisirain ka lang pala.ganyan ang nararanasan ng ilan sa mga kabataan sa ngayon at nakakabahala dahil dumarami ang mga kabataan na patuloy ang pagsuway sa mga magulang. anjan ang umiinom ng alak, nalululong sa droga, nagiging magulang ng maaga at kung anu-ano pang mga makamundong bagay na hindi napag isipan ng mga kabataan kung mabuti ba ang dulot nito sa kanila o hindi.
Kabataan lang din ako. hindi sa nagmamagaling ako at sinasabing perpektong teenager ako. pero alam ko kung gaano nahihirapan ang mga magulang ko sa pagpapaaral sa akin. alam ko ang nararamdaman nila sa tuwing nalalayo ako sa kanila upang hayaan akong hanapin ang buhay na pangrap nila para sa akin. sana mabatid din ng mga kabataan ang hirap at sakripisyo ng mga magulang nila. oo nga at hindi naman masama ang magsaya at magliwaliw din pag minsan. bahagi ng ating kabataan ang maging masaya at makihalubilo sa iba. ngunit tandaan sana natin ang lahat ng nasosobrahan ay nakakasama. matuto sana ang ilan sa atin na maging responsable sa mga kilos at galaw. patunayan natin na tama ang sinabi noon ng ating bayani na si Jose Rizal .Ang kabataan daw ang pag asa ng bayan. mahalin natin hindi lang ang ating bayan kundi pati na rin ang ating mga magulang na nagpamulat sa atin sa kagandahan ng mundo at nagturo sa atin ng lahat ng bagay at siyang pinagkakautangan natin ng ating buhay .Marahil ngayon ang iba sa atin hindi pa natatauhan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila na maaring may negatibong dulot sa kanila. pero sabi nga nila ang pagsisisi ay laging nasa huli. nawa ay matanto ng maaga ng mga kabataang kagaya ko ang kanilang pagrerebelde na maaring makasira hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa magulang. Wag na sana hintayin ng mga kapwa ko na gupuin sila ng mga makamundong bagay at maransan ang pasakit na dulot ng mga bagay na masaya lang sa una pero sa kinalaunan ay may bigat ding dala.
Ang araw -araw na buhay natin ay araw-araw ding pagkatuto sa mga bagay at pangyayari na hindi kayang ituro satin ng mga guro sa loob ng apat na sulok ng ating paaralan . Magtapos man tayo ng pag-aaral, hindi rin natatapos ang ating pagkakatuto at pagtuklas sa mga bagay-bagay lalo na sa ating pagkatao. Sabi nga nila ang pagsisisi ay nasa huli .Nawa ay matanto ng maaga ng mga kabataang kagaya ko ang kanilang pagrerebelde na maaaring makasira hindi lamang sa kanila kundi pati narin sa magulang .

          Ang buhay ay punong - puno ng kulay .Nasa atn ang bawat desisyon na ating pipiliin .Sa isang simpleng desisyon maaaring buong pag-ikot ng ating mundo ay masira o maaaring mabago  . Ang lahat ng ito'y nakadepende sa ating desisyon  .Kaya dapat bago gumawa ng isang bagay isipin muna natin ang kalalabasan kung ito ba'y makakabutin o makakasama sa atin . Baka kasi kucng kailan natin nagawa ang lahat ng desisyon na pinili natin ,doon lang natin mapagtanto  kucng ano nga ba ang dapat kasi walang pagsisising nasa hulihan.